Sugatan ang isang street dweller sa Osmena, Highway sa Makati City matapos madaganan ng concrete barrier kung saan sumalpok ang isang kotse, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Lunes.

Isinugod sa ospital ang 52-anyos na babaeng street dweller na natutulog raw sa likod ng concrete barriers.

Duda naman ang driver ng kotse na si Jimmy Suico dahil malayo raw sa nabangga niya ang concrete barrier na tinutulugan ng street dweller. Itinanggi rin niya na nakainom siya. Aniya madilim daw talaga ang lugar.

Sa kabila nito, sinamahan ni Suico ang street dweller sa ospital. --KBK, GMA News