Dalawang dayuhang dumating sa bansa sa kabila ng ipinaiiral na travel ban ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, kapwa galing Europe ang dalawa.

Ang isa na taga-France, gusto lang daw makita ang anak na nasa Bukidnon. Aniya, may 10 taon na siyang pabalik-balik sa Pilipinas at marunong nang mag-Bisaya. Sa kabila nito, wala naman siyang maipakitang dokumento nang hingan siya ng mga otoridad.

Hinarang din ang isang Swiss na may kasintahan daw na isang Pinay at ilang taon na rin daw pabalik-balik sa Pilipinas.

Kasabay ang dalawang banyaga ng mga OFW na dumating galing Abu Dhabi. —KBK, GMA News