Natagpuang patay sa Las Piñas ang batang isang taong gulang na nahulog sa kanal sa Parañaque, ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Sabado.

Bandang alas-kuwatro ng hapong  noong Biyernes, nahulog sa kanal si John Angelo Bregino sa kasagsagan ng ulan.

Naglalaba raw noon ang ina ng bata at nasa trabaho naman ang kaniyang ama.

Itinigil ng awtoridad ang search operation pasado alas-dies ng gabi at ipinagpatuloy ang paghahanap kinabukasan.

Natagpuan ang bangkay ni John Angelo dakong alas-dies na ng umaga. —LBG, GMA News