Dalawa katao na pinaniniwalaang mag-asawang negosyante ang patay matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Pasay City nitong Huwebes ng gabi, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Lulan ng isang AUV ang mga biktima nang sila ay pagbabarilin sa Ortigas Street sa nasabing siyudad.

Ayon sa pulisya, pumarada ang isang grupo ng mga lalaking nakauniporme at nakamotorsiklo sa lugar. Maya-maya pa ay nakarinig na ng magkakasunod na putok ng baril ang ilang saksi.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —KBK, GMA News