Patay ang dalawang motorcycle riders sa aksidente sa daan sa Metro Manila noong Miyerkules.

Iniulat sa Unang Balita nitong Huwebes na ang unang biktima ay kinilalang si Mark Anthony Passion, na sumemplang sa Southbound Lane ng C-5 Road bago makarating sa Ortigas Flyover.

Nangyari ang aksidente pasado 8:30 ng gabi.

Sumemplang at namatay naman ang isang rider na kinilalang si Richard Henry Casimiro.

Ayon sa ulat, bumangga si Casimiro sa bollards sa Ayala Avenue, Makati City.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung bakit bumangga sa bollards ang biktima.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. —LBG, GMA News

 

<iframe src='https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/539938/2-rider-patay-sa-magkahiwalay-na-aksidente-sa-kalsada/evideo/' width='640' height='380' frameborder='0'></iframe>