Nasaksihan ng mga residente sa Irosin, Sorsogon ang pagka buo ng isang buhawi na bigla rin naman umanong naglaho.

Iniulat ng Unang Balita nitong Huwebes na tanghali noong Miyerkules ay bigla na lamang nagdilim ang kalangitan.

Naptigil ang mga residente at mga motorista nang makita ang namumuong buhawi.

Ngunit, naglaho din lang ito kalaunan.

Samantala, umulan naman ng yelo sa Itogon, Benguet. 

Dahil dito, napatigil ang mga motorista sa gilid ng daan.

Wala namang naiulat na nasaktan o nadisgrasya sa insidente. —LBG, GMA News