Nahuli ang isang criminology graduate at dalawa pang iba sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City.

Iniulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes na nangyari ang operasyon sa Barangay Damayang Lagi, at kinokonsidera ang main suspect na malaking tulak ng iligal na droga.

Hinuli rin ng mga pulis ang live-in partner at ang tiyuhin ng suspek na tipid sa pagbigay ng pahayag.

Nakumpiska mula sa suspek ang 15 gramo ng shabu na may street value na P102,000; 130 gramo ng marijuana; halos limang gramo ng kush; at 150 tablets ng party drugs.

Nahuli na rin umano dati ang main suspek dahil sa iligal na droga. —LBG, GMA News