Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang aabot sa isang kilong shabu mula isang tulak umano ng droga.

Sa ulat ni James Agustin sa "Unang Balita" kinilala ang nahuling suspek na si Jayson Legaspi, ayon sa PDEA.

Aabot sa P6.8 milyon ang umano'y street value ng isang kilong droga na nasabat ng mga awtoridad.

Ikinasa ang operasyon sa may EDSA nitong Martes ng gabi, dagdag pa ng PDEA.

Pahayag ng PDEA agents, mga limang beses na umanong nag-deliver ng droga ang suspek, batay sa kanilang intel report.

Depensa naman ng suspek, nangangalakal lamang siya noon nang maylumapit na lalaki sa kanya at kinuminse siyang i-deliver, kapalit ng pera, ang isang bagay na nakasilid sa isang paper bag.

Hindi umo niya alam na droga ang laman ng naturang bag.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek. —LBG, GMA News