Patay ang isang courier service rider sa Quezon City matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima sa ulat ng “Unang Balita” nitong Biyernes na si Rio Velarde.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga pulis, nangyari ang pamamaril sa Barangay Pasong Tamo sa.

Pahayag ng nga kaanak ng biktima, mabait at matulungin si Velarde at wala silang alam na maykagalit ito, at isa itong student pastor ng Baptist Church.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, sinabing sa sentido tinamaan ang biktima, at posible umanong pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang cellphone ng rider.

Iniimbestigahan na ang insidente. —LBG, GMA News