Isa ang patay, at isa ang sugatan nang pagbabarilin sa kanilang bahay ang isang magbayaw sa Balut sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Biyernes, nagkakasiyahan dahil sa kanilang bahay ang mga biktima ng biglang pumasok ang mga salarin at pinagbabaril ang mga biktima.

Kaagad na nasawi ang isa sa mga biktima habang sa balikat naman tinamaan ang isa pa.

Ayon sa kapitan ng barangay 138, nasa dalawa hanggang tatlo ang mga salarin na tumakas matapos ang krimen.

Ilang basyo ng bala mula sa kalibre 9mm at kalibre .45 na baril ang nakita ng mga imbestigador sa crime scene.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.--FRJ, GMA News