Isa ang patay habang marami pa ang sugatan matapos silang araruhin ng isang kotse sa Divisoria, Maynila nitong Biyernes.
Sa ulat ni Isa Avendaño-Umali sa Dobol B sa News TV, sinabing nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Recto Avenue.
FLASH REPORT: Hindi bababa sa 3 tao, sugatan matapos masagasaan ng isang kotse sa Divisoria. | via @Isa_Umali pic.twitter.com/LQ9j2SJFOA
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 11, 2020
Ayon sa mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nawalan umano ng preno ang isang kotseng pula, kaya nabundol nito ang ilang tao at inararo mga sasakyan tulad ng jeepney, pedicab at motorsiklo.
UPDATE: Isa sa mga biktimang nasagasaan ng kotse sa Divisoria, Maynila, pumanaw na. | via @Isa_Umali pic.twitter.com/wuCETUQlZY
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 11, 2020
Nagbibisikleta lang ang isa sa mga biktima nang mahagip siya ng kotse saka tumilapon sa kalsada, na inkinasawi nito.
UPDATE: Isang lalaking nagbibisikleta lamang, nasawi makaraang mahagip ng kotse sa Divisoria. | via @Isa_Umali pic.twitter.com/6ut0a0SP8U
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 11, 2020
Kinuha naman ng ambulansya ang iba pang sugatan.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver, na nagpaliwanag na nag-"wild" ang sasakyan na kaniyang minamaneho
WATCH: Ang driver ng pulang kotse na nakaararo sa ilang mga tao at sasakyan sa Divisoria. Paliwanag niya, nag-'wild' daw ang sasakyan na kanyang minamaneho. | via @Isa_Umali pic.twitter.com/CCJKrElYkO
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 11, 2020
Bumigat ang daloy ng trapiko dahil sa insidente, pero dumating naman ang pulisya para magmando ng trapiko. —LBG, GMA News
