Aabot sa walong pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City bago magtanghali nitong Sabado.

Sinabi ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection na sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na bahay na pagawaan din ng sorbetes, ayon sa ulat ni Ralph Obina sa Super Radyo dzBB.

ADVERTISEMENT

Naapula ang sunog na umabot sa unang alarma bago magtanghali.

Sa inisyal sa tala ng BFP, walong pamilya ang apektado ng sunog. Wala naman umanong napaulat na nasugatan sa insidente.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian. —LBG, GMA News