Patay ang isa sa dalawang purok leaders na pinagbabaril ng mga salaring magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay Batasan Hills.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na nagkekwentuhan sa harap ng bahay ng biktimang si Nicanor Perez at ang kapwa niya purok lider na si Jeroge Dagupioso nang bigla na lamang umanog sumulpot ang apat na salarin at pinagbabaril ang dalawa.

ADVERTISEMENT

Namatay si Perez at sugatan naman si Dagupioso, ayon sa mga awtoridad.

Pahayag ng isang taga-barangay, walang kaaway ang dalawa at kapwa galit umano sa droga ang mga ito.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen sa patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —LBG, GMA News