Sugatan ang walo katao matapos magkarambola ang pitong sasakyan sa bahagi ng South Luzon Expressway sa Parañaque City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, makikita sa kuha ng cellphone video na isang trak ang tumagos mula sa south bound ng SLEX papunta sa east service road sa pagitan ng Sucat at Bicutan interchange.

Isang kotse na may mga sakay ang direktang tinamaan ng trak sa tagiliran sa naturang sakuna na naganap kaninang tanghali.

Nagtulong-tulong ang mga tao na mailabas mula sa kotse ang mga biktima. --FRJ, GMA News