Mula sa kasalukuyang modified enhanced community quarantine (MECQ), ibaba sa general community quarantine (GCQ) simula sa Mayo 15 pero "with heightened restrictions" ang Metro Manila at kalapit na mga lalawigang Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.

Sa televised briefing nitong Huwebes ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang ilang Cabinet officials, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na ang bagong quarantine restrictions sa NCR Plus na GCQ "with heightened restrictions" ay tatagal hanggang Mayo 31.

ADVERTISEMENT

Ang iba pang lugar na pasok sa GCQ sa naturang panahon ay:

Apayao
Baguio City
Benguet
Kalinga
Mountain Province
Abra
Cagayan
Isabela
Nueva Vizcaya
Batangas
Quezon
Puerto Princesa
Iligan City
Davao City
Lanao del Sur

Nasa ilalim naman ng MECQ ang:

City of Santiago
Quirino
Ifugao
Zamboanga City

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay mananatili naman sa ilalim ng modified GCQ.—FRJ, GMA News