Ipinasara ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang isang KTV bar matapos itong mapatunayang bukas habang curfew sa lungsod.

Wala rin daw mayor's permit ang nasabing KTV bar, ayon sa ulat ng News Live nitong Linggo.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng KTV bar.

Samantala, sa Makati City, ni-raid ng mga awtoridad ang isang resto-bar na bukas din habang umiiral ang curfew.

Limampung tao ang tiniketan matapos mahuling hindi sumusunod sa minimum health standards.

Inihahanda na ang reklamong isasampa sa pamunuan ng resto-bar.

Wala ring pahayag pa ang management ng resto-bar. —KG, GMA News