Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakasubsob sa tubig sa creek sa East Avenue, Quezon City.

Sa ulat ng GMA News "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing nakasuot ng itim na pantalon at asul na pang-itaas ang lalaki.

ADVERTISEMENT

Isang residente ang nagsabing nakakasama niya ang biktima, na ume-extra bilang parking attendant sa lugar at kilala sa pangalang "Dante."

Patuloy na inaalam ng pulisya ang ikinamatay ng biktima at ang kumpleto niyang pagkakakilanlan.--Jamil Santos/FRJ, GMA News