Isang mananaya lang ang nanalo ng mahigit P378 milyong premyo sa Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 26, 2021.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay: 20-17-12-29-10-46.

ADVERTISEMENT

Umabot sa P378,750,791.20 ang kabuuang premyo.

Wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw na ang kombinasyon na lumabas ay 20-23-15-28-43-12, at may premyong P47,588,952.00.

Nitong Huwebes, isang mananaya rin ang nanalo ng mahigit P16 milyon matapos niyang tamaan ang mga kombinasyon sa Lotto 6/42 draw na: 38-41-21-28-02-13.

--FRJ, GMA News