Apat na mananaya ang nanalo sa Lotto 6/42 draw nitong Huwebes ng gabi, Enero 6, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na paghahatian nila ang jackpot prize na P42,945,708.20.

ADVERTISEMENT

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay: 23-01-09-24-12-07.

Wala namang tumama sa kasabay nitong Superlotto 6/49 draw na ang winning number combination ay 26-16-22-08-06-27, at may premyo na P121,338,871.60.--FRJ, GMA News