Nasabat ng mga awtoridad sa isang drug buy-bust operation sa Taguig City ang aabot sa P3 milyong  halaga ng hinihinalang shabu.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nabuking ang isang drug den sa Barangay Ususan, Taguig City.

Tinatayang aabot sa P3M ang halaga ng nasabat na shabu ng mga tauhan ng Southern Police District-Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) nitong Huwebes  ng gabi.

Naaresto ang apat na suspek at nakumpiska mula sa kanila ang isang baril, mga bala, timbangan, at iba pang drug pharaphernalia.

Tumangging magbigay ng phayag ang mga suspek. —LBG, GMA News