Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Commonwealth, Quezon City nitong Biyernes ng umaga.

Iniulat sa "Unang Balita" ni James Agustin na nilamon ng malaking apoy ang mga bahay sa isang residential compound sa Halamanan St., Barangay commonwealth.

ADVERTISEMENT

Nagsimula umano ang sunog bago mag-ala siete ng umaga at umabot na sa ikalawang alarma.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay, ayon sa ulat.

Sinabi ng mga residente na nagsimula ang apoy sa bandang gitna ang residential area.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. —LBG, GMA News