Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon muli ng pagsirit ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Mayo kung hindi susunod ang mga tao sa minimum public health standards (MPHS) tulad ng pagsusuot ng face mask at huwag magkumpol-kumpol.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ng DOH na ang pagbaba ng 50% sa pagsunod ng MPHS sa National Capital Region (NCR) ay maaaring magresulta ng 25,000 hanggang 60,000 na new COVID-19 cases per day sa susunod na buwan.

“[This may bring] the number of NCR active cases to almost half a million by mid-May - more than three times higher than the active cases during the Omicron wave’s peak,” ayon sa DOH, batay sa  Susceptible-Exposed-Infectious-Recovered with Vaccination and Reinfection (SVEIR) model na ginamit ng sub-Technical Working Group on Data Analytics (sTWG DA) at Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-temporal Epidemiological Modeler for Early Detection of Diseases (FASSSTER) Team.

Batay sa naturang modelo, ang 20% decrease sa MPHS compliance sa buong bansa ay magdudulot ng nasa 34,788 active COVID-19 cases sa kalagitnaan ng Mayo. Ayon pa sa DOH, 564 ng mga kaso ay magiging severe at 267 ang critical cases.

ADVERTISEMENT

Sa 30% decrease sa MPHS compliance, maaaring umabot sa 300,000 ang mga kaso sa katulad ng nabanggit na panahon.

“This figure is higher than the largest recorded number of active cases at 291,618 during the peak of the Omicron wave in January 2022,” babala ng DOH.

Sa Marso at Abril, nasa -7% umano ang nationwide MPHS compliance rate at -12% naman ang compliance rate sa NCR.

Giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring mapigilan ang pagkakaroon ng panibagong surge sa COVID-19 cases kung patuloy na susunod ang mga tao sa health protocols, at magpapabakuna kontra-COVID-19.

“Numbers do not lie. The good news is, at this point, these are all still projections. We can still avert these estimates in favor of better scenarios. We can all do our part to help stop transmission and mutation of the virus if we are to keep wearing our best fitted masks, isolating when sick, doubling protection through vaccines and up to date boosters, and ensuring good airflow,” anang opisyal.

Nitong Martes, sinabi ni Vergeire na nag-plateau o hindi nagbabago ang COVID-19 infections sa bansa na may average daily cases noong nakaraang linggo na 26%, mas mababa kumpara sa nagdaang linggo.

Idinagdag ng DOH na maaaring mabawasan ang mga kaso kung walang bagong variant ng coronavirus na papasok sa bansa at patuloy na susundin ang health protocols at pati na ang pagbabakuna.

Nitong Miyerkules, inihayag ng DOH na 233 ang mga bagong kaso ng COVID-19 at nasa 25,134 ang active cases. —FRJ, GMA News