Dead on the spot ang isang tindero ng isda matapos pagbabarilin sa Quezon City, at sugatan naman ang isang lalaking nadamay lamang sa krimen.

Sa ulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing dead on the spot ang tindero ng isda na si Jerwin Goco sa pamamaril sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Wala naman umanong alam ang pamilya na may nakaalitan ang biktima at wala rin daw itong masamang bisyo.

Dagdag ng ulat, binaril din ng salarin ang isang residenteng nagbabantay sa kanyang sari-sari store, nanakakita sa pamamaril kay Jerwin.

Agad siyang itinakbo sa ospital at maayos na ang kanyang kalagayan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen. —LBG, GMA News