Nakumpiska ng mga awtoridad ang aabot sa 700 gramo ng umano'y marijuana, at sari-saring mga armas sa isang raid sa loob ng Quezon City Jail.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing binakbak ng mga pulis ang sahig at pader sa looob ng kulungan sa kanilang Operation Greyhound na isinagawa sa male dorm.

ADVERTISEMENT

Dagdag ng ulat, tinarget ng mga pulis ang mga selda ng mga presong sangkot umano sa naging riot noong May 13 kung saan isa ang namatay at siyam ang nasugatan.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, layon umano ng mga sangkot sa riot na patalsikin ang jail warden para malaya silang makapagbenta ng droga sa loob ng kulungan. —LBG, GMA News