Nakunan sa CCTV ang pag-atake ng leopard sa isang lalaki na nagbibisikleta sa loob ng isang park sa India.

Sa video, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Miyerkules, makikita na dumadaan ang siklista sa isang kalye nang biglang may lumabas na leopard saka siya inatake.

ADVERTISEMENT

Sumemplang ang lalaki pero nagmadali siyang tumayo at muling pumadyak palayo.

Nagbabala ang mga ranger sa Kaziranga National Park na maging alisto sa mga mababangis na hayop sa lugar. —Jamil Santos/LBG, GMA News