Puwede pa ring mapanalunan ang mahigit P205 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 matapos na walang tumama sa draw nitong Miyerkules ng gabi, June 15, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay  09-13-41-36-49-45.

ADVERTISEMENT

Umabot ang premyo nito sa P205,096,576.40.

Muling gagawin ang draw ng Grand Lotto 6/55 sa darating na Sabado, June 18.

Samantala, wala rin tumama sa kasabay nitong draw nitong Miyerkules para sa Megalotto 6/45, na may jackpot prize na P95,264,387.60.

Ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 43-29-18-12-33-13. --FRJ, GMA News