Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port ang aabot sa P 4 milyon halaga ng smuggled carrots.

Ayon sa BOC, may nakapagbigay ng impormasyon tungkol sa pagpasok ng mis-declared agricultural products sa bansa.

ADVERTISEMENT

Nang inspeksyonin ang mahigit 2,000 carton, bumungad ang carrots at hindi steamed buns na dineklarang laman nito.

Mahaharap sa mga kaukulang kaso ang trading company at broker ng smuggled items. —LBG, GMA News