'This is not the end." Ito ang inihayag ni Kai Sotto matapos na walang koponan na kumuha sa kaniya sa ginanap na 2022 NBA Draft nitong Biyernes (Manila time).

"Thank you to everyone for your support and kind words tonight, I won’t stop pursuing the dream of being in the NBA…..this is not the end," saad sa  tweet ng 20-anyos na si Sotto.

ADVERTISEMENT

Ang 7-foot-1 Pinoy bigman sana ang kauna-unahang homegrown Filipino na makapaglalaro sa NBA kung may koponan na kumuha sa kaniya sa ginanap na "draft" kung saan pumipili ang mga NBA team ng mga rookie o baguhang players.

Nilinaw din ni Sotto na wala pang pinal na desisyon kung maglalaro ba siya o hindi sa NBA Summer League.

"I also want to clarify that no decision has been made about me not playing in the summer league. My agent misspoke," ani Sotto.

May pag-asa pa rin naman si Sotto na makapaglaro sa NBA kung may koponan pa rin na kukuha sa kaniya matapos ng ginanap na draft.

Si Paolo Banchero ang naging overall first pick sa draft, na kinuha ng Orlando Magic. —FRJ, GMA News