Wala ng buhay nang matagpuan ang isang babae sa loob ng inuupahan niyang bahay sa Malabon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ang biktimang si Lovely Anne Villagomez.

Ilang beses nahagip ng CCTV ang salarin na may dalang bag at nakakulay itim na damit.

Sa isang punto ay halos magpang-abot pa ang salarin at ang biktima sa eskinita.

Nang makatiyempo ay pinasok ng lalaki ang inuupahan ng biktima. Makalipas ang mahigit isang oras ay lumabas ito na naka-dilaw nang damit.

Ayon sa kapitan ng barangay ay hindi tagaroon ang lalaki.

Blangko naman ang ama ng biktima sa pagkakakilanlan ng salarin.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. —KBK, GMA News