Arestrado ang isang mangingisda matapos mahulihan umano ng mahigit P1 milyong halaga ng droga sa kanilang bahay sa Navotas.

Sa ulat ng Unang Balita, sinabing nangyari nitong Miyerkules ng gabi ang paghuli sa suspek na kinilalang si Eduardo Monroy.

Isinagawa ng mga pulis ang pagsalakay sa bahay ng suspek sa  Barangay Tangos Norte sa Navotas City.

Nakuha ng mga pulis ang aabot sa P1 milyong halaga ng shabu at P14,000 halaga ng marijuana.

Narekober din ng mga pulis ang isang baril at mga bala. —LBG, GMA News