Arestado ang isang Norwegian na galing sa Dubai matapos masabat ng mga awtoridad sa kaniyang bagahe ang shabu na may halagang mahigit P50 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa ulat ng GMA news Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nasa walong kilo ang shabu na nakita sa bagahe ng suspek na si Rose Alex Moi.

Ayon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, galing ang suspek sa Dubai.

Wala pang pahayag ang suspek na nasa kostudiya ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR).--Sundy Mae Locus/FRJ, GMA News