Arestado ang dalawang lalaki matapos umanong manutok ng baril at mangholdap sa labas ng isang mall sa Makati City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi na ayon sa mga pulis, kalalabas pa lamang ng biktima mula sa mall nang biglang sumulpot ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Tinutukan ng baril at hinodap ang biktima ng isa sa mga suspek.

Nakapagsumbong ang biktima sa mga nagpapatrolyang pulis kaya nahabol ang dalawang suspek.

Narekober mula sa kanila ang isang baril at dalawang nakaw na cellphone.

Sasampahan ng mga reklamong robbery at illegal possession of firearms ang dalawang suspek na hindi nagbigay ng pahayag. —LBG, GMA Integrated News