"True love never dies" para sa isang magsasaka sa United Kingdom.

Ang kanyang regalo na simbolo ng walang katapusang pag-ibig para sa namayapa niyang asawa ay ang isang hugis-pusong clearing sa woodland na kanyang itinanim.

ADVERTISEMENT

Sinimulan umano ng magsasaka ang pagtatanim ng mga puno ilang dekada na ang nakalipas matapos ang pagpanaw ng kanyang asawa, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Ilang libong puno ang kanyang itinanim at nang tumubo ang mga puno, nakagawa ito na isang hugis-puso na clearing, na ang dulo ay nakaturo sa childhood home ng kanyang misis. —LBG, GMA Integrated News