Sa kulungan ang bagsak ng isang hinihinalang tulak umano at kaniyang parokyano na nahulihan ng higit P47,000 halaga ng shabu umano sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang suspek na si Ronnel Cruz, alyas Nelo, na dumating sa Badeo 5, Brgy. San Roque na nakasakay pa sa bangka.

ADVERTISEMENT

Nakaabang na pala sa kaniya ang dalawang pulis na nagpanggap na buyer, at ang parokyano niyang si Mike Delemos para umiskor.

Kinorner ang dalawa nang magkaabutan ng items.

Tumangging magbigay ng pahayag si Cruz, pero umamin si Delemos na umiiskor siya nang madakip. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News