Nagkabanggaan ang isang ambulansya at isang SUV sa may Rizal Avenue sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, nahagip ng SUV ang ambulansya na may sakay na pasyente, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Galing pa umano sa Calamba, Laguna ang ambulansya na sumalpok pa sa poste sanhi ng insidente.

Kwento ng driver ng SUV, nang mag-green light na umano, umabante na siya at nabigla siya sa pagsulpot ng ambulansya.

Hindi umano nagwang-wang ang ambulansya kaya hindi niya namalayan na paparating ito.

Iniimbestigahan at inaalam pa kung ilan ang sugatan sa aksidente. —LBG, GMA Integrated News