Nasolo ng isang mananaya ang mahigit P50 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Martes, Pebrero 28.

Sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabing nagwagi ang mananaya ng P50,796,013.00 matapos tumumpak sa mga lumabas na numerong 26-14-11-08-07-22.

Wagi naman ang 125 mananaya ng second prize na P24,000, habang 4,219 mananaya ang wagi ng P800 para sa third prize.

Samantala, walang naka-jackpot sa UltraLotto 6/58 na may premyong P87,542,598. Ang mga lumabas na numero ay 36-49-40-19-15-48.

Dalawa naman ang mag-uuwi ng P120,000 bilang second prize.

Wala ring tumama sa jackpot ng SuperLotto 6/49 na may premyong P15,840,000, kung saan lumabas ang kombinasyong  22-49-17-29-02-28.

Wagi ng P50,000 ang 19 na mananaya para sa second prize.

Wala ring tumama ng P3,505,820.12 para sa 6-digit lotto na may kombinasyong 7-5-0-0-5-2.

Apat ang nagwagi ng P40,000 para sa second prize.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News