Pumanaw na sa edad na 50 nitong Miyerkoles ang dating PBA player na si Boybits Victoria.

Kinumpirma ng kapatid ni Boybits na si Bing ang malungkot na balita sa GMA News Online.

Ayon kay Bing, pumanaw ang kaniyang kapatid dahil sa acute myocardial infarction.

Dating naglaro si Boybits sa PBA at naging Rookie of the Year noong 1994.

Kabilang sa mga naging koponan niya ang RFM at San Miguel. Produkto si Boybits San Beda’s college basketball program. -- FRJ, GMA Integrated News