Mala-pelikula ang naging high-speed chase ng Spanish Police sa tatlong drug suspek na nagtangkang tumakas gamit ang isang bangka sa Espanya.

Sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Martes, makikita sa video na kinunan ng police helicopter ang mabilis na takbo ng bangka at speed boat ng pulisya.

ADVERTISEMENT

Nakarating ang mga suspek sa pampang, bumaba sila sa bangka at tumakbo palayo.

Ngunit hindi tumigil ang mga pulis sa paghabol sa kanila, hanggang sa madakip sila kalaunan.

Nakuha naman ang nasa 1,200 kilograms ng Hashish.

Sinabi ng mga awtoridad na galing sa North Africa ang bangka ng mga suspek. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News