All-out sa kanilang pagsayaw ang isang dance group ng mga senior sa watch party bilang pagsuporta sa Golden State Warriors.
 
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing sila ang miyembro ng Hardwood Classics, na dance group na binubuo ng mga may edad 55 pataas.
 
Game na sumayaw ang mga senior sa gitna ng Game 4 ng 2023 NBA Western Conference semifinals sa Chase Center sa San Francisco.
 
Kadalasang sumasayaw ang grupo sa mismong court, pero dahil nasa Los Angeles ang Warriors para sa laban kontra Los Angeles Lakers, inaliw nila ang daan-daang fans na nasa watch party. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

ADVERTISEMENT