Umaabot na sa mahigit P400 milyon ang pinagsamang jackpot prize sa Superlotto 6/49 at Ultra Lotto 6/58 na mayroong draw ngayong Martes ng gabi, Disyembre 5, 2023.

Hindi tinamaan ang Superlotto 6/49 sa draw noong Linggo na ang premyo ay umaabot na sa mahigit P215 milyon.

Ang lumabas na mga numero sa nasabing draw ay 12-27-35-09-31-42.

Wala ring nakahula sa lumabas na mga numero na 03-11-36-16-44-49 sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Linggo rin na ang kabuuang premyo ay mahigit P188 milyon na.

May draw rin ng Lotto 6/42 mamayang gabi na ang nakaraang premyo ay P5,940,000.00.

Huling tinamaan ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 noong Setyembre 19, 2023 na mahigit P77 milyon ang premyo.

Sa draw ng Ultra Lotto 6/58 noong June 30, 2023, isang mananaya ang nakasolo sa mahigit P366 milyon na premyo nang matamaan niya ang lumabas na mga numbero na 43-58-37-47-27-17.

Samantala, Oktubre 19, 2023, naman nang huling napanalunan ang jackpot sa Superlotto 6/49 na P15,840,000.00.

Pero bago nito, isang mananaya ang masuwerteng nanalo ng mahigit P147 milyon jackpot sa Superlotto 6/49 noong Oktubre 15, na ang lumabas na mga numero ay 47-35-02-13-38-17. --FRJ, GMA Integrated News