Nadakip sa Nueva Ecija ang 80-anyos na lalaki na suspek sa pagkamatay ng isang parking boy sa Marikina. Giit ng suspek, biktima siya ng pambu-bully ng biktima.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News  “24 Oras” nitong Huwebes, sinabi ng mga awtoridad na isang taon na nagtago ang suspek na si Reynerio del Rosario hanggang sa matunton nila sa Nueva Ecija.

“Napag-alaman nila na ito ay mayroong relatives somewhere in Nueva Ecija,” ani Police Brigadier General Wilson Asueta, Eastern Police District director.

Sinabi umano ng suspek sa pulisya na napatay nito ang parking boy dahil lagi umano siyang binu-bully.

Nakadetine na sa Marikina Police Station ang suspek na hindi nagbigay ng pahayag.-- Sherylin Untalan/FRJ, GMA Integrated News