Dalawang sunog na bangkay – isang babae at isang lalaki—ang nakita sa loob ng nasunog na sasakyan sa Peñaranda, Nueva Ecija.
Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Lunes, sinabi umano ng pulisya na dakong 11:00 am kanina nang i-report sa kanila ang tungkol sa nasusunog na sasakyan.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima at hindi pa nagbibigay ng dagdag na detalye ang mga awtoridad habang patuloy pa ang isinasagawa nilang imbestigasyon. – FRJ GMA Integrated News
