Kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month, nag-alok ng libreng self defense training para sa mga kababaihan ang Senshi Martial Arts School sa Mandaluyong City. 

Ayon kay Judo coach Rommel Miranda, bukod sa nais nilang mapalaganap ang martial arts, gusto rin nilang isulong ang women empowerment. 

Ayon pa kay Miranda, “Martial art gives you that confidence to prevent violence against you. Number two, it provides you the mindfulness to avoid risk or lawful violence against your person.”

ADVERTISEMENT

Bukod sa mga adult women, welcome din aniya sumali sa training pati ang mga batang babae. 

Pitong martial arts ang itinuturo ng Senshi Dojo kabilang na rito ang Judo, Karate, Brazilian jiu-jitsu, Muay Thai, Aikido, Taekwondo at Arnis. 

Ang self defense na itinuturo nila nang libre ay nakabase sa pitong martial arts na ito, depende sa kung anong gustong matutuhan ng estudyante. 

Ang mga kababaihan na nag-enroll, nag-enjoy sa training. 

Ayon kay Bea, “Mahirap siya pero parang masaya yun nga fulfilling yung feeling after na kaya mo palang gawin siya.”

Ayon kay Rae, “May own act of I think meaningful defiance na mga babae kayang kaya rin ito, it’s very fulfilling to be able to do it as a woman.”

Ang mga schedule ng mga training ay makikita sa social media account ng Senshi Martial Arts School. —LDF, GMA Integrated News