Nabisto ang ginawang pagnakaw ng isang 12-anyos na batang lalaki sa isang puwesto sa palengke sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, mapapanood sa CCTV ang payukong pagpasok ng menor de edad sa palengke sa Barangay 306.

ADVERTISEMENT

Ilang saglit pa, hinalughog na ng bata ang tindahan.

Sinabi ng may-ari ng tindahan na nawalan siya ng P1,700 at ilang gamit matapos ang insidente.

Nagkaharap na ang may-ari't ang bata pati ang ina nito sa barangay hall.

Hindi naibalik ng bata ang ninakaw na pera, bagama't nagkaayos din ang dalawang panig matapos itong bayaran ng ina.

Nagpaalala ang barangay na hindi porke bata, ligtas na sa pananagutan. — VDV, GMA Integrated News