Inihayag ng Malacañang ngayong Martes na walang pasok sa buong bansa sa araw ng halalan sa Mayo 12, 2025, Lunes.
Nakasaad sa Proclamation No. 878 na kailangang ideklarang special non-working holiday ang Mayo 12, para makaboto ang mga tao, na kanilang karapatan.
Nilagdaan mismo ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. ang naturang proklamasyon ngayong Martes, Mayo 6.
Ginawa ang deklarasyon kasunod ng kahilingan ng Commission on Elections, na layong bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makaboto sa Eleksyon 2025. — mula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News
For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.

