Makikita na ang latest partial, unofficial results ng botohan sa Eleksyon 2025 website ng GMA. Nangunguna sa senatorial race sina Bong Go, Bam Aquino, Bato dela Rosa at Erwin Tulfo.

Sa partial and unofficial tally count mula sa Commission on Elections na may 65.67% ng election returns, nangunguna si Go na may 19,242, 271 boto, habang 15,707, 681 naman si Aquino. Pangatlo si Dela Rosa na may 14, 645,685, na sinundan ni Erwin Tulfo na may 12,448,378.

Kasama rin sa top 12 sina Kiko Pangilinan, Ping Lacson, Tito Sotto, Rodante Marcoleta, Pia Cayetano, Camille Villar, Imee Marcos at Lito Lapid.

Bisitahin lang ang GMA News Online at i-click ang eleksyon2025.ph para sa partial, unofficial election results para sa mga kadidatong senador, party-list, at maging sa mga lokal na posisyon. –FRJ, GMA Integrated News

For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.