Nasawi ang isang mayoral candidate at tatlong iba pa matapos silang pagbabarili habang nangangampanya sa ginaganap sa kanilang halalan sa Veracruz, Mexico,Sa ulat ng GTV news Balitanghali nitong Martes, mapanonood na nabulabog ang kampanya ng kandidato dahil sa magkakasunod na putok ng baril.Kinilala ang nasawing politiko na si Yesenia Lara Gutiérrez, isang mayoral candidate.Tatlong iba pa ang sugatan sa naturang karahasan sa kanilang eleksyon doon.Sakay ng motor ang mga salarin, batay sa Prosecutor's Office ng Veracruz.Hindi pa tukoy ang kanilang motibo, ayon sa Presidente ng Mexico.— Jamil Santos, GMA Integrated News