Nasawi ang isang 15-anyos na lalaki matapos siyang magulungan ng dump truck na minamaneho mismo ng kaniyang ama sa Pasig City.Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na naramdaman na lamang umano ng amang truck driver na may bumangga sa likod ng gulong ng sasakyan.Nang tingnan niya ito, tumambad ang kaniyang duguang anak na kaniya ring nagsisilbing pahinante.Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, habang inaresto ang ama. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News