Isang mananaya ang nanalo ng P63.9 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Huwebes, July 24, 2025.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa draw ay 24-34-32-09-21-16 na may kabuuang premyo na P63,908,331.60.
Samantala, wala naman nanalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49, na ang lumabas na mga numero ay 47-42-29-31-48-08, at may premyong P38,975,027.
Para sa iba pang lotto results, i-clik ang link. — FRJ GMA Integrated News

