Pasok na sa quarterfinals ng Jingshan Tennis Open ang Filipina tennis ace na si Alex Eala matapos talunin si Mei Yamaguchi ng Japan, 6-0, 6-3, nitong Huwebes sa China.

Mabilis na tinapos ni Eala ang unang set at hindi nakapuntos si Yamaguchi.

Sa ikalawang set, nakabawi nang bahagya ang Yamaguchi ngunit nanatiling kontrolado ng Eala ang laro.

Lamang si Eala ng 2-0 sa Set 2 bago nakasungkit ng isang game si Yamaguchi.

Agad namang bumawi si Eala at tinuloy ang momentum sa 4-1 lead. Ngunit hindi basta bumigay si Yamaguchi at naibaba ang lamang sa 4-3.

Ipinamalas ni Eala ang kanyang composure at determinasyon, at sinelyuhan ang laban sa pamamagitan ng pagkuha ng huling dalawang game

Makakaharap sa quarterfinals ni Eala si Jia-Jing Lu ng China matapos na talunin ng huli si Riya Bhatia ng  India sa quarters.

-- FRJ GMA Integrated News